top of page

Ang kuba sa Notre Dame

Isinulat ni: Victor Hugo

Noong unang panahon mayroong isang kuba na sobrang napakapangit na si Quasimodo na nagkakagusto kay La Esmeralda, isang napakagandang mananayaw. Ngunit hindi lang si Quasimodo ang may gusto kay La Esmeralda, maging ang paring kumupkop kay Quasimodo na si Claude Frollo at ang kapitan ng tagapagtanggol ng kaharian na si Phoebus ay nabighani rin. Labis ang pagnanasa ni Frollo kay La Esmeralda kung kaya't sinunggaban niya ito isang araw na naglalakad mag-isa. Nailigtas si La Esmeralda ng pilosopong si Pierre Gringoire. Dinakip si Quasimodo at nakatakdang bitayin ngunit nakiusap si La Esmeralda kaya't hindi nabitay si Quasimodo. Noong mga oras na iyon ay nahulog na ang loob ni Quasimodo kay La Esmeralda. Sa kabilang banda, may nagtangkang pumatay kay Phoebus ang katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya't pinagdesisyunan siyang bitayin. Nang oras na siya ay bitayin ay sumugod ang mga magnanakaw na kaanak ni La Esmeralda upang ipagtanggol siya at nandoon din si Quasimodo. Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto ba nitong mabitay o mahalin na lamang siya ngunit mas gusto pang mamatay si Esmeralda kaysa mahalin si Frollo. Noong makita ni Quasimodo na wala ng buhay si La Esmeralda ay labis siyang nasaktan at bigla na lang naglaho ngunit kalaunan ay natagpuan ang isang kalansay ng kuba na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda.

bottom of page