Ako'y isang estudyante na sa una akala mo'y tahimik at walang sigla ngunit kapag nakilala mo ng tuluyan ay hindi ka matutuwa. Ngunit handa akong gawin ang lahat upang mapasaya ka yung tipong pareho tayo ay napapagalitan na. Pakikinggan kita kapag nalulungkot ka kahit anong oras pa, patatawanin kita hanggang sa magsawa ka, papayuhan kita kung sobrang nasasaktan ka na. Dahil bilang kaibigan, handa akong tulungan ka.
Zhrysler Xiandrei G. Julagay






Ako’y isang batang lalake pero babae ang puso, madaming nag sasabing mukha akong maldita sa una pero pag ako’y iyong nakilala hala hindi tayo titigil kakatawa. Ako yung taong handang makipag away para sayo lalo na pag alam kong tama tayo.. Sa pormahan at pagandahan ako’y maaasahan ngunit sa paaralan pakopya naman ako dyan. Isa lang ang gusto maging masaya tayo hindi ko gusto ang makitang may malungkot sa mga kaibigan ko.. Mabilis ako sumaya ngunit mabilis din akong umiyak.
Mcneal Anilov N. Briguela
Ako ay isang simpleng studyante na mapagkakamalan mong seryosong tao pag di tayo close ngunit kung ako’y makikilala mo asahan mong mapapagalitan tayo. Pag dating sa pag susulit ako’y maasahan mo pero resulta nito ay ewan ko. Ugaling masama pinakakinaaayawan ko, Handa akong habaan ang pasensya ko saiyo ngunit pag ako’y niyabangan mo at napuno abangan mo ang resulta nito.