
Merliza Tolentino
KAHIRAPAN
Ang kahirapan sa totoong buhay ay hindi masosolusyonan nino man. Sinasabi nila ito ang ugat kaya tayo nakakagawa ng masama. Pagnanakaw? Pagpatay? Pagbenta ng mga bagay na illegal? Bakit nga ba ito nangyayari? Madaming katanungan sa aking isipan ngunit isa lang naman ang pwedeng sisihin kundi ang ating mga sarili. Paano ko nga ba ito nasabi?
Nakikita naman siguro ng lahat na ang Pilipinas ay patuloy paring naghihirap ganon din sa ibang bansa. Umiiral ang katamaran kaya tayo naghihirap. Tamad magtrabaho, tamad magaral, nagiging kampante kaya umaasa na lang sa iba. Inuuna ang sarili kaysa sa mga bagay na importante. Madaming tao ang may matataas na pangarap ngunit hindi naman nagawa upang magtagumpay.
Ano nga ba ang dapat gawin? Nasa ating mga kamay ang kapangyarihan upang magtagumpay basta isipin at gawin ito sa mabuting paraan kung saan ang ating mga pangarap ay matupad. Basta't tayo ay may pagkakaisa at pursigido gawin ang ating prioridad ay malulutas natin ang mga suliranin ng kahirapan at katamaran dahil naniniwala ako "kapag may tiyaga may nilaga".
Mcneal Anilov Briguela
HIV AWARENESS
Ang HIV (human immunodeficiency viruses) ay isang sakit na mayroon tayo dito sa ating bansa. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit dumadami ang mga nagkakasakit. Nakukuha ang HIV kapag ika'y nakipagtalik sa kauri mong babae o lalaki o hindi kaya sa isang taong may HIV dapat tayong alisto sa sakit na ito dahil unti unting sisirain ang iyong immune system at dapat magkaroon ng pag-aaral tungkol dito para maging alisto ang mga kabataan hindi lamang ang mga matatanda.
Sa aking palagay, dapat magkaroon na talaga ng pag-aaral tungkol sa mga gantong usapin upang mamulat ang mga kabataan at sila'y maging alisto at upang hindi na rin sila magsaliksik pa tungkol sa usapain na ganto. At kapag Ika'y nagkaroon nito pwede mo itong ikamatay dahil wala pang gamot na nakikita para sa gantong uri ng sakit Kaya dapat maging alisto tayo at wag magpadalos dalos sa ating desisyon.
Kurt Bryan Villamor
POLUSYON
Isa ka rin ba sa nagdudulot ng polusyon? Alam naman natin na ang polusyon ang isa sa mga malaking problema ng bawat bansa dahil na rin sa mga irresponsableng mga tao. Halina't samahan niyo ko na talakayin ang mga bagay-bagay tungkol sa polusyon.
Bakit ba nagkakaroon ng polusyon? Simple lang, sa simpleng pagtapon ng basura kung saan-saan, sa simpleng paninigarilyo mo ay dumadagdag ka sa mga dahilan ng polusyon, napakalaki ng epekto ng polusyon sa atin mga tao bakit? Dahil kung patuloy na uusbong sa ating bansa kung saan na tayo kukuha ng mga malinis na tubig, pagkain at sa polusyon na maaring kumalat ang mga sakit na malulubha at ayaw natin itong mangyari at kung ayaw natin itong mangyari ay umpisahan natin ito sa ating mga sarili. Nakakalimutan na natin magtapon ng basura sa tamang basurahan, kung saan-saan tayo nagtatapon ng basura at pagnagkaroon ng baha at kalamidad tayo pa ang galit, kung gusto natin ng maayos na kapaligiran ay unahing ayusin ang sarili, gawin nating disiplinado ang bawat kilos natin.
Sa tingin ko naliwanagan naman kayo sa aking mga pinagsasabi kaya sana kahit papano ay may natutunan kayo sa akin. Polusyon lang yan tao tayo kung kaya natin gumawa ng paraan upang magkaroon ng polusyon sa tingin ko kaya din gumawa ng paraan upang masolusyonan ito, pero kung tayo mismo mga tao dumadagdag lang sa problema na ito isipin mo itong kataga na, "kung gusto mapabuti ang mga bagay-bagay ay umpisahan natin ito sa ating mga sarili".
Leah Andrea Gomez
KORAPSYON
Ano nga ba ang korapsyon Ito ay isang sakit ng ating lipunan na ating maihahalintulad sa kanser, na onti-unting pumpatay sa kinabukasan ng mamamayan. Ito ay nag dudulot ng matinding kahirapan sa ating bansa. Isa ang Pilipinas sa mga bansang problemang hinaharap sa korapsyon.
Nais kong ipabatid sa ating gobyerno ang hinanaing ng mga mamamayan dahil sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa patungkol sa korapsyon. Kakulangan sa edukasyon, trabaho, paaralan at iba pang epekto ng mga ganid at gahaman sa pera na nakalugmok sa kanilang pwesto. Dahil sa pagiging ganid sa pera at kapangyarihan imbes na makinabang ang mga kapos-palad nating mamamayan sa kabang yaman, ay lamang sa pansariling kapakanan ng mga taong makapangyrihan.
Kung inyong susuriing mabuti hindi naman talaga kahirapan ang pangunahing suliranin ng ating bansa. Ang kasalukuyang nakaupong presidente natin ay maraming naidulot na pagbabago at kabutihan sa lipunan ngunit bakit hindi parin nawawala ang korapsyon Bilang responsableng Pilipino ay dapat nating magabot tulong dahil hanggat hindi nababago ang maling sistema ay habang buhay nating papansinin sa ating balikat ang epekto ng korapsyon.
Kaya bilang isang mag-aaral. Ngayon pa lamang ay isipin na natin kung ano ang maari nating maiambag pagdating ng panahon na tayo naman ang mag papasya para isa atin at para sa darating na henerasyon, pagtulungan natin sugpain ang korapsyon.
Zhrysler Xiandrei Julagay
KRIMEN
Sa panahon na ikinakaharap natin ngayon, tumataas na ang bilang ng krimeng nagaganap sa loob ng ating bansa. Dahil dito, maraming mga mamamayan kabilang na ang ekonomiya ang naaapektuhan dahil sa masamang gawain ng mga tao. Ngunit bakit nga ba nila ito nagagawa?
Ang isa sa mga dahilan ng paglaganap ng krimen ay ang kahirapan. At dahil sa kahirapan na matagal na nilang pinagtitiisan, tuluyan na silang sumuko at nawalan ng pag-asa kaya napilitan na lamang sila na gumawa ng krimen alang-alang sa pamilyang umaasa sa kanila. Walang pinipiling edad ang krimen. Kung tutuusin ay mas maraming kabataan ang nasasangkot sa paggawa ng krimen, lalo na sa panahon ngayon. Sa lahat ng mga ito ay may kanya-kanyang dahilan ang mga kabataang ito kaya hindi tama na basta-basta na lang natin sila husgahan at sabihing salot ang lipunan. Ngunit ang ganitong pangyayari ay magpapatuloy, paano na ang bayan na ating kinaiingatan at kinabibilangan?
Makakatulong tayo sa paglutas ng mga suliraning kagaya nito kung tayo ay magtutulong-tulong, may disiplina sa sarili, pagkakaisa, at kung may pagmamahal tayo sa bansang kinalakhan natin. Sa simpleng mga gawaing ito ay makakatulong tayo sa pag-unlad ng ating bansa.
Carel Mae Cali
KALIKASAN
Nararamdaman mo ba ang pagbabago ng ating klima? Mga biglaang tag-initm,tagulan at tag-lamig, mga pagbabagong tayo ang may dahilan.mga taong nagbubulag-bulagan at mga taong pinagpapalit ang kalikasan sa ikakabuti ng kanilang personal na pangangailangan.sige isipin mo Basura doon,basura dito.ano na nga bang lagay ng panahon ngayon?
Ipinagsasawalang bahala na nga ba ang mga pangyayaring labis ang epekto sa kapaligiran Ganito na ba talaga kahirap sundin ang mga batas na ikakabuti ng ating kalikasan mga taong napakabilis mag reklamo ngunit wala namang inambag na pagbabago.Sakit sa lipunan hindi kayang solusyonan, maski pamahalaan walang pakinabang.aanhin pa ang pinag aralan kung hindi naman mapapakinabangan ng kalikasan at sangkatauhan. Ikaw tao makikisabay ka padin ba sa mga taong walang galang sa kalikasan? O magiging isa ka sa mga halimbawa ng may magandang asal sa kalikasan?sige isipin mo.