
Ala-Ala
Isinulat ni: Leah Andrea Gomez
Bakit sa alaala ay nakakulong
Nais makawala at humingin ng tulong
Ngunit bakit ba ganto ang nadarama
Dahil sa ngiti mo'y nakakabighani ang ganda
Sa bawat alaalang binabalikan
O aking sinta gusto na kitang balikan
Bakit nga ba ganto ang nararamdaman ko sayo?
Onti-onting bumabalik ang nadarama ko
Bakit ganito ang ako sa tuwing ikay nakikita
Para kang isang kantang nagbibigay saya
Mga mata mong na animoy nangungusap
Kumikislap na parang dyamante sa ulap
Sa iyong sulyap ako ay sadyang kinakabahan
Pakiwari ko ay may matang nakaabang
Sa tuwing lalapit pigil ang aking paghinga
Ayan na! parating na sya! akoy natataranta
Sa tuwing akoy mag-isa tulala at nakangiti
Imahe sa aking isipan,muka mong kay rikit
Kasunod ng ngiti ay tahimik na kilig
Aking Inaalala ang mga matatamis mong ngiti
Malapit nanh magdilim, isang araw na nakalipas
Puso kong nagnanais na muli kang makita
Ngunit muli kong napagtanto na isang alaala ka nalang
Aabangan ang pagsikat ng araw aking sinta ako ay nakaabang.
Akala ko
Isinulat ni: Carel Mae Cali
Mabulaklak na pananalita aking sinisinta,
Kabighabighaning mga ngiti aking nakikita.
Inaamin ko sa aking sarili ako'y nahulog na
Tanging minimithi ay napasakin na.
Sa simpleng nadarama ay naging masaya,
Pag-ibig mo sakin ay sapat na.
Wari bang wala ng iisipin pa
. Basta't anjan ka lamang sa piling ko.
Ikaw sakin ay mahalaga,
Ako ngayo'y nagtataka.
Pag-ibig mo'y tunay nga ba?
Pagmamahal ko ba'y iyong nadarama.
At dahil ngayon ay alam ko na.
Ikaw ay nawala na sa aking piling.
Ginawa ko na ang lahat- lahat
Pero para sayo ay di parin sapat.
Tunay na pagmamahal lamang ang nais,
Ngunit ang pinaramdam mo ay di kanais- nais. Ika'y punagkatiwalaan ko,
Ngunit ito ay sinayang mo.
Akala ko ikaw ay para sakin,
Na bubuo sa aking damdamin.
Ang huling katanungan ko nalang sayo,
Kung pwede pa nga bang maging tayo?
Pagmamahal kong palihim
Isinulat ni: Mcneal Anilov Briguela
ANG HIRAP NITO ISIPIN BAGO KO PALANG SABIHIN,
BAKA IKA’Y MAWALA SAKIN KUNG AKO NAMA’Y AAMIN,
BAKIT BA NAMAN ITO AY NAPAKAHIRAP PIGILAN,
NITONG AKING NARARAMDAMAN AT AKO’Y NAHIRAPAN,
ILANG BESES NG SINUBUKAN PERO AY BIGO NAMAN,
SINUBUKAN KONG ALISIN PERO AKO’Y NAHIRAPAN,
PILIT KONG PINIPIGILAN ANG AKING NARARAMDAMAN,
DAHILAN NA BAKA AKO AY DI MO MAGUSTUHAN,
KAPAG AKO AY UMAMIN NG AKING NARARAMDAMAN,
KAYA MAS MABUTI NA LANG ITAGO KAYSA AKO’Y MASAKTAN,
MANATILI SA IYONG TABI AY SAPAT NA SA’AKIN, ANG AKING NARARAMDAMAN MABUTING WAG NG SABIHIN,
ITURING KANG KAIBIGAN AY SAPAT NA SA’AKIN, KAYSA NAMAN IKAW PA ANG MAMAWALA PA SA AKIN,
DAHIL MAS MASAKIT KAPAG YUN AY NANGYARI SA AKIN,
MINAHAL KITA SA IYONG MAAMONG MUKHA KASI YUN KA,
ANG IYONG LABING PALAGING NAKANGIITI AT MAY SAYA,
ANG IYONG MATANG LUMILIIT SA TUWING IKA'Y MASAYA,
AT ANG SARAP TITIGAN NG NAPAKALIWALAS MONG MUKHA,
TATAPUSIN KO NA ANG TULA NA GINAWA KO PARA SAYO,
AT KASABAY NITO ANG PAGTAPOS NG NARARAMDAMAN KO,
PASENSYA NA KUNG AKO’Y UMIBIG,
NAHULOG SAYO, KAYA’T ITITIGIL KO NA ITO,
KASI PAGOD NA KO,
MAMAHALIN PARIN KITA, PERO
HANGGANG KAIBIGAN NA HUMAHANGA NALANG SAYO.
Akong gugma alang kanimo
Isinulat ni: Xiandrei Julagay
Sa pagtatagpo ng ating mga mata,
Hindi napigilang ako ay humanga.
Nang masilayan ang maamo mong mukha, Hindi napigilang ako'y matulala.
Bakit ganito pag ika'y nakikita?
Para kang musikang nagbigay ligaya
Madarama nama'y kilig sa simula,
Sa gitna ay ngiti at dulo'y may tuwa.
Ikaw lamang itong pakamamahalin,
Ang mga mata ko'y sayo lang titingin, Hanggang kahit pa ay magkaduling-duling, Ikaw lamang, mahal, ang siyang iibigin.
Punong-puno ng galak ang nadarama
Sa bawat araw na ika'y nakikita,
Bawat sandali ay 'di palalampasin
Ang pag-ibig kong wagas ay iyong damhin.
Mga pagsasama'y kay sarap isipin,
Walang katapusang ika'y iibigin,
Kahit ano pa ang kanilang sabihin,
Lahat ng pagsubok aking tatahakin.
Ang namumuuo sa'king galit at sakit
Ang iyong paglisan na napakapait,
Ang ala-alang kakalimutang pilit,
Salamat sa iyong pag-ibig at sakit.
Pabalik-Balik
Isinulat ni: Merliza Tolentino
Eto na ulit, hindi ko maintindihan
Kung bakit ko ito nararamdaman
Takbo ng puso't isipan, ikaw lamang
Mamahalin kong buong puso't tapang
Pagmamahal ko sayo ay parang hangin
Ginagawa lahat ngunit hindi mo pansin
Nananalangin ako sa poong may kapal
" Pahingi naman kahit konting pagmamahal"
Sa tuwing nasisilayan ang iyong mata
Di' mapakali ito'y napakaganda
Takbo ng puso kay bilis parang ilaw
Sino pa ba ang dahilan kundi ikaw
Sa tuwing nakakausap ka
Laging may ngiti at sa dulo'y may tuwa
At sa tuwing ika'y nakakapiling
Napakasaya, ito pala ang feeling
Pag-ibig kong ito'y napakagulo
Hindi ko na alam ito'y pabago-bago
Sabi nila sundin lagi ang puso
Nakakainis, nagsimula lahat sa tukso
Pagmamahal ko sayong pabalik-balik
Lahat ay naaalala lalo na iyong halik
Dahil sa pag-ibig na nagbibigay buhay
Tandaan mo ikaw parin ang nagbibigay kulay
Amore
Isinulat ni: Kurt Bryan Villamor
Pagmamahal na aking nararamdaman
Pwedeng pampamilya o pagkasintahan
Kahit sinong tao ay dapat mabigyan
Pagmamahal na dapat alagaan
Ang mga problema mo'y malilimutan
Ito ay nagbibigay ng kasiyahan
Kayang magpagaan ng nararamdaman
Sa ating isipan ay nagkalarawan
Puro saya nga ba ang mararanasan
O kailangan din natin na masaktan
Sa bawat sakit ay may natutunan
Ang ating sarili ay dapat tulungan
Ang pag-ibig ay parang katulad ng dagat
Hinding-hindi mo ito masusukat
Ang pagmamahal ay dapat laging tapat
Ito ay dapat binibigay ng sapat
Ang lahat ng tao ay mayroon nito
Ang iba naman ay sadyang nalilito
Pag-ibig ba talaga kung tutuusin ito?
Saan ba talaga ko lulugar dito?
Pag-ibig ay susi sa pagkakaisa
Kung puro away ay wala tayong mapapala
Nasa sa atin parin ang pag-asa
Ating pagibig ay mas patatagin pa